USAPANG LALAKI.
Talaga namang kahit kailan ay hindi ko matatanto at lubos na maiintindihan ang mundo ng mga lalaki. At kung bibigyan ako ng pagkakataon na maging si santino ay babaugin ko ang lahat ng kalalakihan sa mundo. Sadyang napaka kumplikado ng nature ng mga lalaki. Sobrang hirap intindihin to the highest level. Hindi naman sa man-hater ako. Isipin mo nalang na magkaparehas kami ng view ni Beyonce. If I were a Boy. Sa tagal ko sa larangan ng pag-ibig, nakasalamuha ko na ata lahat ng uri ng lalaki sa planetang ito. At take note, dahil pinakamatindi ang huli. Kasi lahat ng katangian ng mga nauna kong BF eh sumanib sa kanya.
Can you handle this?
Kung sakitin ka, may asthma at sakit sa puso, o mahina ang puso at ang iyong loob. Wag mo ng basahin pa ang mga susunod dito. Maraming ideya na tumatakbo sa utak ko ngayon, at nagwawala na ang mga kamay ko na pakawalan sila.
MGA URI NG LALAKI AYON KAY MARICAR M. SALOMON:
1. THE KIND ONE- Eto ang mga lalaking mabait kung tignan. Inosente. Walang alam. Sa umpisa ng relasyon ay napakabait, walang maipipintas. Kung ano ang ikinalinis ng kanyang anyong panglabas ay syang ikinadumi ng kanyang anyong pangloob. Mabibihag ka nya sa mga unang buwan ng inyong relasyon. Ngunit mag-ingat sa mga lalaking ganito, Kung ano ang ikinabait nila, sa loob nila, eh ganoon ding kasama ang ugali nila. Ang mga ganitong lalaki ay parang dragon kung magalit. Kulang na lang labasan ng apoy ang bibig. Ngunit hindi apoy ang lumalabas sa bibig nila, kundi paninisi at masasakit na salita.
status: TRIED AND TESTED
2. He said, she said. WTF?- Eto ang mga lalaking kapag nag-aaway kayo ay sayo babalik ang kanyang mga kasalanan. Aminado sa una na sya ang may pakana ng away, ngunit habang lumalalim at tumatagal ang alitan eh biglang sayo napupunta ang sisi at sa bandang huli ay ikaw ang magsosorry. Nakakapikon mang isipin, trust me, ikaw din ang magsosorry sa huli.
status: BEEN THERE, DONE THAT
3. The Cold One- Oh wag kang matuwa at isiping si Edward Cullen ito. Ibang uri ng cold one ang tinutukoy ko. Ang mga lalaking ganito ay hindi nagpaparamdam sayo. Ay, nagpaparamdam pala pag may kailangan lang sayo. Kahit wala kang ginagawang kasalanan ay lalayo sya sayo. Hindi magpaparamdam. Ayaw kang replayan. Laging nakasara ang cellphone, at kapag tatawagan mo sa bahay nila ay laging wala o kaya naman ay tulog na. At kapag nagkaroon kana ng pagkakataong kausapin sya eh hindi naman magsasalita. At kapag nagsalita na ang sasabihin nya ay " I need space".
statu: NUNG NANGYARI SAKIN YAN, GUSTO KONG UMESCAPE SA OUTER SPACE
4. KEEP YOUR FRIENDS CLOSE, AND YOUR GF AWAY- Hindi ito up up and away. Ito yung mga klase ng lalaki na mag GGF pa, eh ang gusto naman palang kasama lagi eh yung mga kaibigan nya. THE FCUK. Kapag kasama nya ang mga kaibigan nya, masaya sya at ayaw ng umuwi, pero pag kayo ang magkasama, hindi sya kumikibo at laging naghahanap ng dahilan at paraan para umuwi....SA MGA KAIBIGAN NYA. Parang ang syota nya eh mga kaibigan nya. Sila't sila ang pipiliin nya. Mawala ka na, wag lang sila. Kapag naman kasama mo sya at ang mga kaibigan nya, OP ka. Dahil sabi ko nga, weird sila. Tulad ng bandang WEIRDO. May relevance ba? At kapag naman away ang mga kaibigan nya, ang load na ibinigay mo sa kanya ay iuunli nya para sa mga kaibigan nya. Ang mga lalaking tulad nito ay never kang rereplayan kapag kasama nya ang mga kaibigan nya.
status: KAYA AYOKO NG MAY BANDA. OO BANDA. AT SABIHIN NA NATING " WEIRDO" AKO DAHIL AYOKONG PANGALANAN ANG ''ANONYMOUS'' NA BANDANG ITO.
5. " BOK, WALANG TALO TALO!"- Maghahanap ka ng atensyon sa iba, dahil ayaw ka naman nyang bigyan. At kapang nalaman ng lalaking ito na may iba kang katext o kaflirt. Eh sasanib sa kanya ang kaluluwa ni Dave Garcia. Magwawala at talagang ipaglalaban ka. Pero pag sya ang pinili mo. Wala lang sa kanya. Para kang nanalo ng 1 million pesos kaso kinalaunan, nalaman mo play money pala.
status: SA MUNDONG PARA SA ISA, HINDI PWEDENG TAYONG DALAWA
6. THE PROMISE- Promise. Promise. Promise. Ang mga lalaking ito ay dapat inuumpog ang kanilang mga ulo sa sahig o sa pader o sa livewire. Dahil ang laman lang ng kanilang mga utak ay ang salitang PROMISE. Pero wala silang initiative para gawin yon. Makakalimutin ang mga lalaking ganito. Pero sa totoo lang, they don't mean every promise that they make.
status: PROMISE- PAWANG KALOKOHAN LAMANG
7. ALIAS. A.K.A- Nagagalit sila kapag may katext kang iba. Pero sila, kapag may nagtext na babae, at alam nilang may gusto sa kanila eh go sila agad. Usually, matatalino ang mga lalaking ganito. Dahil iisip at iisip sila ng pangalan ng lalaki pampalit sa pangalan ng babaeng kanilang katext. Easy. Para kapag nag daily inspection ang mga GF nila sa kanilang mga phonebook eh ligtas sila. Pero minsan, pumapalya at sadyang bulok na ang style na ganito dahil naranasan ko na ito.
SITUATION:
AKO AT SI BF SA BAHAY NILA.
AKO: (tingin sa inbox)
beep beep.
( may nagtext na lalaki, kaso hindi mukhang lalaki magtext.)
AKO: NAGTAKA
AKO: SINO TO?
BF: AH LALAKI YAN KAKLASE KO YAN.
AKO: ( Tinext yung lalaki daw.)
AKO: SINO TO?
LALAKI DAW NA TEXTER: KANINA LANG MAGKATEXT TAYO TAS NGAYON DI MO NA AKO KILALA?
AKO: LALAKI KA BA?
LALAKI DAW NA TEXTER: HINDI! BABAE AKO DUH?
DUH? DUH? DUH HELL!
end of story.
BACK TO REALITY.
8. Hard as rock- Ang mga lalaking ganito ay sadyang ipinanganak ng may matigas na puso. Oo aminado kana sa kasalanan mo. Lahat na ginawa mo ngunit ayaw ka pa din nyang patawarin, daig nya pa ang ang baretang PRIDE. Oo tama ka, ang katawan nya ay punong puno ng pride.
status: NA TRY KO NG KAININ ANG PRIDE KO, AT PROMISE, HINDI MASARAP
9. BALAT KAYO- Pakitang tao. Mabait sya pag kasama ang mga kaibigan mo at kamag anak. Lalo na ang iyong pamilya. Ngunit pag kayo nalang, lumalabas ang pagkademonyo nya. Itataboy ka at papalayuin ka. Mapagpanggap. Laging nakamaskara.
status: HINDI TOTOO ANG KASABIHANG " NO MAN IS AN ISLAND"
AT ANG PINAKAHULI...
10. CHEATER- UNFAITHFUL. Laging may katext na iba. Hindi ka magawang replayan. Walang oras sayo at ayaw kang makasama. Next thing you know, pinagkakalat na pala sa friendster ang kanyang number. At pinagkakalandakan na pala ang kanyang sarili sa ibang babae. May problema sa ego ang ganitong mga lalaki.
status: ETO ANG KANTA NG MGA LALAKING GANYAN- BAGO IKAW AKO MUNA, GANYAN TALAGA PAG SELFISH KA! ( in the tune of blue bay tuna)
Kaya kung nakaencounter kana ng mga ganitong klase ng lalaki, oh nasa isang relasyon kapiling ang isang lalaking tulad nito. CONGRATULATIONS! Ikinalulugod kong sabihin sa iyo.
" YOU'VE BEEN PLAYED"
- :D
Tuesday, May 19, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment