Sunday, May 24, 2009

TRUE LOVE AND BETRAYAL.

Pansin ko, tuwing magboblog nalang ako eh masama ang loob ko. Sa bagay, mas maganda ng dito ko sabihin sa blog, kesa idura ko sa taong kinaiinisan ko lahat ng saloobin ko. Mas masakit yon.

True love and betrayal. Revenge and MORE Revenge.

Malungkot ako ngayon. Iritado. Galit. at malapit ng sumuko. Simula nung nag-umpisa tong taon na to, puro lecheng kamalasan ang dumating sakin. Kahit ata kung sino sino ng santo at diyos ang dinasalan ko eh nakakabit na sa pagkato ko ang kamalasan. Sa kaibigan man o sa imyernong tinatawag nating Pag-Ibig.

Gusto mo bang malaman ang lovestory ko?

Let's not hope that it will end as a TRAGEDY.

1st Year

Totoo na sa umpisa ng relasyon nyo ay maayos ang lahat. Syempre sobrang inlove ka. Sa mga panahon na yan, ayaw nyong maghihiwalay hanggat maaari. Kung pwede lang, 24 hours a day magkasama kayo. Magkatext pa kayo buong maghapon at magkausap kayo sa telepono buong magdamag. Ganyan kami dati. Used to be. Cool ako sa umpisa. Sa totoo lang, maintindihing tao lang ako. Pipilitin kong intindihin ang isang tao kahit ano man ang sitwasyon basta't maayos akong pinapalinawanagan. Napakaliit ng mga bagay na pinagaawayan namin noon. At ang masaya don, siguro ilang oras lang pagkatapos naming mag-away nagkakabati rin kami. Hindi kasi ako nakakatulog o kaya nakakafunction ng maayos pag alam kong galit sya. Kaya hangga't maaayos, aayusin ko yun. Bilib ako saming dalawa dati. Halos hindi na kami mapaghiwalay. Siya ang kaunaunahang lalaki na ipinakilala ko sa buong angkan namin. At natutuwa ako dahil nagustuhan sya agad samin. Dati, halos hindi yan mapakali kapag hindi ako nakakatext, nakikita o nakakausap sa telepono. Lahat ng lakad nya kasama ang mga kaibigan nya, aayawan nya dahil ako ang gusto nyang makasama. Pakiramdam ko noon, ganoon na kami habang buhay. MASAYA. Yun lang ang inisip ko nun. Kahit nung nagcollege na sya at 4th year highschool ako, walang nagbago. Mag-aabsent yan kung kinakailangan. Masundo lang ako. Kahit nung mga panahon na talagang bumabagyo. Nung dumating yung una naming hamon sa relasyon. Lalo ko syang minahal dahil nakita ko kung paano nya ako pinaglaban. Lumipas ang isang taon, at nanatili kaming malakas. matatag.



2nd Year

College. Natuwa ako sa sarili ko ng tumuntong ako sa college. Isa lang ang ibig sabihin non sa amin. Pwede na kaming magkita kung kailan namin gusto, at mas magkakaroon na kami ng oras para maging magkasama. Halos walang nagbago nung mga panahong to. Pero may ilang pagkakataon na kung kailan ko sya talagang kailangan eh dun sya wala. Umabot sa punto na naging suicidal ako dahil sa depression. Kung ano ano ang ginawa ko mamatay lang ako. At guess what? Never akong nagsucceed sa misyon ko. Ang nangyari lang ay isang mahabang hiwa sa wrist ko na kinakailangang tahiin sa sobrang lalim. Nung mga panahon na yon, wala sya. Kahit alam nyang sya ang dahilan ng sugat na yon, na naging peklat na ngayon, ay hindi sya nag-abalang alagaan ako at ayusin ang problema. Umabot din sa punto na gusto ng kumuha ng tatay ko ng psychiatrist at psychologist. Pinipilit nila akong pumunta sa counseling. Dahil na rin siguro sa takot. Lumipas yon. Tumigil ang unos at sumikat muli ang araw. Balik ulit sa nakagawian.


9 Months

Hindi ko alam kung paano ako nakasurvive sa 9 months na yan. Pero sa loob ng syam na buwan na yan, natuto akong maglaslas ng halos araw araw. Para maibsan yung sakit. Para kasi sakin, mas masakit yung sa puso, pag ramdam na ramdam mo na durog. Hindi ako makahinga. Mas masakit yon para sakin kesa linisin ng safeguard at buhusan ng alcohol at betadine yung mga laslas ko. At ano pa nga ba ginawa ko non? Ah, uminom ako ng acetone. Wala namang epekto. Naranasan ko na nun na hintayin sya sa school nya simula 5:30 ng hapon hanggang 7:00 ng gabi. Nung nakita nya akong naghihintay sa kanya, sya pa ang galit. Wala na akong gaanong natatandaan pero ang alam ko lang, nung mga buwang yan ay hindi na kami tulad ng dati. Sobrang hindi na. Lahat nagbago. Lahat ng binuo namin, nakita kong lumagapak sa sarili kong mga mata.

APRIL 2009

Impyerno ang buwang yan. kahit na 18th birthday ko, gusto ko ng wakasan ang buhay ko. Nag-away kami dahil sa isang lalaki. Na hindi ko naman talaga gusto, pero binibigyan kasi ako ng atensyon ng lalaking iyon. Hindi tulad nya. Naayos nga kami nung buwang yan. Pero iba na talaga pakiramdam.


MAY 2009

Sa ilang taong pang itatagal ko sa mundong to, ito ang hinding hindi ko makakalimutan. Sa buwang to, hindi sya nagparamdam ng 2 araw. At sa 2 araw na yon, naranasan ko ang magmukhang tanga. Yun bang habol ka ng habol sa isang taong wala na palang nararamdaman sayo at gusto ka ng ishoo sa buhay nila. Sa pang isang daan na pagkakataon, naranasan ko nanamang humabol sa kanya. At iexpect mo na ding suicidal ako sa mga panahong yan. Yung wrist ko? Halos patong patong na yung mga sugat. Pero pag nililinis ko, wala nakong maramdaman. Naayos kami pagkatapos nyang di magparamdam. Pero may ultimatum ng kasama yon at agenda. 1.) may piling araw lang na magkasama kami. 2.) May piling oras lang ng tawagan at pagtetext. Sa pangalawang pagkakataon, kinain ko nanaman ang pride ko. As usual,hindi parin masarap. Feeling ko wala nakong dignidad. Hanggang isang araw, narealize ata nung gago yung halaga ko. Sabi ibalik daw namin yung dati. Pero good for 1 day lang ata. Dahil wala namang nangyayari.

Hindi naman sa against ako sa barkada nya. Pero feeling ko, nalalayo sya sa akin dahil sa kanila. Isipin mo to, ako, may piling araw lang na magkasama kami. Pero pag yung mga kaibigan nya ang mag-aaya sa kanya na mag gym o magpractice ng banda. sasama agad yan, kahit walang pera. Minsan kunwari pupunta pa ng pangulo yan, sa bahay ng kaibigan nya. May meeting daw. Yun pala kakain lang ng lugaw. Habang kausap ko sya sa telepono, katext nya mga kaibigan nya. BASTOS DIBA? Eto pa. Nung May 17, pinapili ko sya. " Mga kaibigan mo o ako? " Ang sabi nya "IKAW". Pero bakit mali ata? Ang sabi pa nya, kaya nya daw itaboy ang mga kaibigan nya. Pero yung mga kaibigan nya daw ang lumalapit. Ilagay natin sa ganitong sitwasyon. Si BF ang palay at ang mga kaibigan si manok. Sabi ni palay, itataboy na daw nya ang mga manok, pero tuwing tinutuka sya ng mga manok, nagpapatuka naman si palay.

MAY 24,2009

Badtrip ako ngayon. Gusto kong pumatay ng tao. Nagtext kanina " bheb, pwede ba akong sumama kila _ _ na mag gym? Dahil maintindihin ako, sabi ko, " Oh sige pero hanggang 8 lang ah? tsaka text padin tayo." Ang sabi nya " opo promise! ". FOOL. 12:55 AM na ngayon, tumawag ako sa kanila. Ang sabi ng kuya nya. " Ay wala pa si _ _ _ _ eh."

THE FUCK. THE HELL. Oh diba? Garapalang panloloko at pagsisinungaling talaga!
GYM? GYM? GYM? May bukas bang gym na hanggang ganitong oras?

Kaya sa mga makakabasa nito, wag nyong isipin na super sinasakal ko naman sya. Hindi nyo alam lahat ng pinagdaanan ko sa relasyong to. Lahat ng luha, hirap, sakit, sakripisyo. Masama ba kung hihilingin ko na sakin muna sya ngayong bakasyon?

Alam kong uuwi yon ng 8. At kilala ko kung sinong demonyo ang nag-udyok sa kanya na huwag munang umuwi. KITA TAYO SA IMPYERNO. Hayop. Makarma ka sana. At para sa taong yun, alam ko lahat ng katarantaduham mo. Mga extra cell, extra sim, extra girls? Hindi lang ako nagsasalita. Mahirap na.

ASSHOLE. FUCKSHIT. BULLSHIT. Lahat talaga ng mura gusto kong sabihin. Pasensya na kung medyo marahas ang blog nato. Inis na inis lang talaga ako. Sa mga nakakaintindi, Thank you. Sa mga mahilig manghusga. Bat nyo pa binabasa to?

Sana pala naging kaibigan nalang ako. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko pa kayang magbigay, umintindi at magtiis. I'm internally dying.

I heard that revenge is best served cold. So, who's hungry?

- :'(


No comments:

Post a Comment