Thursday, May 21, 2009

FRIENEMIES. :D

KAIBIGAN, USAP TAYO. :D

Sa totoo lang, hindi lang talaga ako sa mga lalaki naguguluhan. Pati sa mga tinatawag nating " KAIBIGAN". Pero hindi sa kaibigang lalaki. Kundi, sa BABAE. Kung kumplikado ang nature ng mga lalaki, ayaw man nating aminin, kumplikado din ang nature nating mga babae. At talaga namang naguguluhan ako sa mga kauri ko. Sa totoo lang ulit, natrauma na talaga ako sa mga kaibigan. At kung gusto mo ng munting sulyap sa aking mapakla, maasim at matabang na nakaraan na walang tamis ngunit may kaunting anghang, hayaan mong ikwento ko sayo ang aking munting storya. :D

para sa akin, tulad ng mga lalaki, eh meron ding klasipikasyon ang mga kaibigan natin at kaibigan mo, maging ang mga kabatch mo nung highschool. Gusto mo bang igroup ko sila ngayon? YOUR WISH IS MY COMMAND. :D

1. MEAN GIRLS- eto yung mga grupo ng babae na pakiramdam nila ay reyna sila ng campus. Laging magkakasama kung kumain sa canteen at pauwi. Kung maglakad ay magkakasabay. Ngunit karaniwan sa mga mean girls ay puro itsura, ngunit walang utak. Pag dumadaan sila, pakiramdam nila ay sinasamba ng lahat ang sahig na kanilang nilalakaran. Ang mga ganitong klase ng babae ay laitera at manipulative. Naka encounter nako ng ganito. Grabe, actually isang babae lang syang inis sa akin. Sa kadahilanang tuwing nagkakacrush sya, yung crush nya ay sa akin tumatawag. Trust me. Hindi sya nanligaw. Naghysterical ang gaga, sinugod ako sa gym ng school namin at sa harap ng aking "ex-barkada" ay sinabi nya ng full force " P*TANG INA MO MARICAR, TANDAAN MO YAN!". Sabay irap at walkout. Kalapating mababa na nga ang lipad, lumagapak pa bigla sa lupa.

TRIVIA: hanggang ngayon, inis pa rin sya. pero pag hindi nya kasama ang barkada nya, takot sya. >:D

2. BACKSTABBERS- Aminin natin, minsan sa buhay natin, eh nangbackstab na tayo. Pero merong mga kababaihan na ito ang profession. HUSTLER. EXPERT. Lumalapit sayo pag may kailangan pero hindi maganda ang motibo at intensyon. Baling bing ang mga taong ganito. Ayaw naiipit sa sitwasyon.

TRIVIA: ang mga backstabbers, sana naging likod nalang kayo.

3. SHINY PLASTIC- Looks can be deceiving. Hindi porket nakangiti ang isang babae habang kausap ka eh nakangiti narin ang puso nya. FOOL. ang mga plastic ay puro basura ang lumalabas sa bibig. Kung akala mo sincere sila, nagkakamali ka.

TRIVIA: Pwede ng dumpsite ang kanilang mga bunganga.

4. KISS AND TELL- Eto yung mga akala mo kaibigan mo. Syempre ikaw si tanga kaya nagtiwala ka,ngunit hindi mo alam, habang nagcoconfess ka sa kanya ng mga secreto mo eh nagdedevise na sya ng plano kung paano nya ito ikakalat. At pag sinapian na sya ng pwet ng manok, lahat ng sinabi mo ay iuutot nya, may bonus pa, nadoktor na. Minsan ang ginagamit nilang panlaban sa mga kagalit nila eh yung mga alam nila tungkol sa mga taong ito. Nothing but the truth. yan ang motto nila.

TRIVIA: Sticks and stones may break bones, but a girl's mouth is mightier than a pen and sword. :D

5. TRYING HARD AND FEELERS- eto yung mga social climbers. Hindi man sa pera meron din sa pautakan. Karaniwan marami akong nakakasalamuhang ganito sa friendster. SYET. Mageenglish nalang mali pa, mas madali naman ang buhay kung magtatagalog kana lang diba? Eto yung mga babaeng feeling nila eh napakaraming naiinsecure sa kanila. Oo, I admire beautiful girls. Pero mas humahanga ako sa taong maganda na, MAY UTAK pa. halata sa babae kung talagang may utak o naguutak utakan lang. Pero ayoko din naman sa mga babaeng ginagamit yung talino nila para sabihing mas superior sila. Kaya nga naiinis ako sa mga school rivalry na yan. Pare-pareho tayong nag-aaral mga iha, nasa tao lang talaga yan. Training ground mo lang ang eskwelahan mo, pero magisa kana sa giyera paglabas mo sa lungga mo. Yung iba ngang galing sa mga magagandang eskwelahan, eh yun pa ang mga kadalasang magloko. Pero huwag kang confident kung galing ka sa maganda at sikat na eskwelahan, hindi ibig sabihin non eh may trabaho ka na agad, Like what i've said, nasa tao yan. Masama rin naman kung sobrang talino ka, sana naging utak ka nalang.

TRIVIA: what is beauty if the brain is empty? aanhin mo ang utak mo, kung madumi naman ang budhi mo? Kung alam mong social climber ka, lol, gumamit ka ng ladder ng di ka mahirapan.

Minsan sa buhay, hindi naman maiiwasan na makaramdam ng kaunting inggit. Pero sa mga naranasan ko, natutunan ko na maging kuntento sa kung anong mayroon ako. Mapangit ang highschool life ko. Hell ang 3rd year. Doon ko naramdaman at naranasan na hindi na ako welcome sa ex barkada ko. At doon ko din naranasan na pagkaisahan ng sarili kong section. Pero sa college ko lang nakita kung sino yung mga totoong kaibigan ko. Meron din naman yung highschool, pero iilan lang yung tumagal sa buhay ko. Kaya masaya ako ng wala akong bestfriend o barkada, dahil gusto ko eh nakakasalamuha ko ang lahat.

Sabi ng iba mataray daw ako, supladita, maldita. Talaga? Siguro meron lang talagang nagtitrigger sa ibang tao para maging ganon. Look behind the mask. Kung ano ako ngayon, resulta yon ng mga naging karanasan ko dati. Iilan lang ang sinasabihan ko ng mga pangyayari ko sa buhay ko ngayon, dahil kapag tinatry kong maging open sa lahat, yung mga bagay na tungkol sa akin ay yun pa mismo ang ginagamit para sirain ako.

Nasira na ako dati. Pero natutuwa ako sa sarili ko dahil lagi akong nakakabangon. At mahal parin ako ng mga tao. Iilan lang kasi talaga ang mga nagtiyaga na kilalanin talaga ako. And it's worth the wait i'm telling you.

Days before my highschool graduation. Nakausap ko sa 3rd floor ng aming building ang isa kong babaeng kaibigan. At nalaman ko na nung 3rd year pala, sa tuwing absent ako eh sinasamantala yon ng iba kong kaklase para pag-usapan ako. I may not be the talk of the town, but rather, the talk of the CLASS. Masakit sa una, pero napatawad ko sila dahil alam kong kung sa kanila mangyayari ang ganon, talagang manglulumo sila.

SHOW THEM HOW TO TREAT YOU. sabi sa candy magazine. dahil kapag hinayaan mo sila. talagang sisirain nila ang dangal mo.

Hindi ako bitter. Gusto ko lang ishare. If you want to leave a peaceful life, mageliminate ka ng bagay maging mga taong hindi essential sa buhay mo. Ginawa ko yun. At naging masaya ako.

Gossips? Dati naaapektuhan ako. Pero nasanay nako. I just let those gossips roll off my back. I couldn't care less. Ayoko kasi ng may " Gossip Girl" sa buhay ko na gusto eh lagi syang updated sa mga karanasan at ginagawa ko.

Maraming tao ang natutuwa dati tuwing nadadapa ako sa buhay. Kaya nagpapasalamat ako sa mga taong tumulong saking bumangon. Alam nyo na kung sino sino kayo.

Kung kakilala moko at natamaan ka sa blog na to, positive man o negative, alam mo na ang ibig sabihin mom. Wag mo sakin lahat isisi, tandaan mo na may parte ka din dito.


whether you're my friend, enemy or frienemy. I love you.

lagi kitang pinagdadasal. trust me. :D

I'D RATHER BE AN OPEN SINNER THAN A FALSE SAINT.


MAGPAKATOTOO KA, SISTER. :D

- :D




No comments:

Post a Comment