Tuesday, May 26, 2009

BEFORE HE C-H-E-A-T-S.

"And for a scandal to really blow up, all it needs is an unexpected turn."


Pano ba natin to uumpisahan? Oh sige. Halimbawa may BF ka. Tapos, naguumpisa kayo ulit sa relasyon nyo. Sabi nyo pa sa isa't isa, sige game na talaga. eto na to.


Pero ano ang gagawin mo kung kinabukasan nun, may nalaman kang secreto na tinatago nya pala sayo. Remember the saying? Walang secreto na hindi mabubulgar. HAHA.

Syempre. MASAKIT. Lintek. Sobra. Para bang mukha ka na ngang tanga, dinagdagan pa. Ngayon di na talaga ako tanga LANG. BULAG PA. Pero alam mo kung ano mas masakit? Yung handa ka ng magsimula ulit at magbagong buhay, pero kung kailan handa kana, dun pa lalabas yung mga secretong makakasira sayo. SA INYO.

Grabe. Naiinis nanaman ako. Teka, Kelan ba ako hindi nainis? Oh sige. Gusto nyong ikwento ko kung ano talaga nangyari? Ingat ingat. Baka mangyari rin sa inyo.


MAY 26, 2009- TUESDAY.

Akala ko magiging okay tong araw na to. Okay na sana, kaso panira talaga ang mga numbers ng babae na tinatago sa pangalan ng iba. Ano reaction mo kung may magtext bigla sa BF mo habang magkasama kayo ng " MISS NA KITA _ _ _ _, I LUV YOU, HUHU..." Sa unang reaksyon, natatawa ako. Sabi pa ni BF, baka daw mga kaklase nya lang daw yun, niloloko sya. The hell. nangdamay pa ng mga kaklase nya na wala namang alam. POOR CLASSMATES. Syempre gusto kong malaman kung sino talaga yun. Aba nireplayan ko nga. Ang sabi sakin, kung hindi daw ba ako si **** eh shumatup daw ako. TANG INA. AKO? AKO PA ANG MAG SHUSHUT UP? HELLLOOOO? AKO YUNG GF AT NASA KALAGITNAAN KAMI NG PAG-AAYOS NG RELASYON NAMIN, TAS BIGLA SYANG SUSULPOT SA TEXT AT SASABIHIN SAKIN NA SHUT UP? The fuck.

Syempre, hindi mabubuo ang isang scandal, kung walang taong nadadamay. Actually ang ganda nga ng scandalong to. Isipin mo. PAU daw ang name nya. Never ko syang nakita o nakilala. TAS BIGLANG BUONG BUHAY KO ALAM? The hell. Sino kaya ang nagkwekwento? Imposibleng ako diba? Kayo nalang humula kung sino yung pwedeng magkwento nun.

Pero eto pinakamasakit na sinabi nung ahas na texter na yon. " Kung ikaw nga si **** mag i lav u ka nga! hehe". ULOL. NATUWA PA SYA NU? KAPAL NG MUKHA.

eto pa isang round, eto pinakamatindi.

" SINABI SAKIN NI **** LAHAT NG GAWAIN MO, SYA NAKIPAGBREAK SAYO, AT IKAW DAW YUNG NAGBEG NA BALIKAN KA NYA KAHIT WALA NA SYANG GUSTO SAYO."

grabe. gusto kong pumalakpak sa ganda ng pagkakacompose sa message nya. para bang scripted lahat. AYOS. COOL.

2 timer? Paano mo masasabi na pang twotwo time yung ginawa ko dati kung wala namang commitment na involved? Ni sa pangalawa nga walang feelings na involved eh. AYOS.

Gantihan. yan ang pinakagusto ko. kaso pag ako na yung ginagantihan, ang hirap malaman kung sino yung "ISA". kasi hindi ko kilala. sarap kaya ng feeling. gugustuhin mong pakamatay ng paulit ulit kesa pakinggan sa isip mo yung mga text. Sumasakit ulo ko pag nirereplay ko sa utak ko lahat nung laman ng text. Nakakadurog ng pagkatao.

Magmakaawa? Manghabol? Oo naranasan ko na yan. Pero natutuwa ako sa sarili ko dahil ginawa ko yan. kasi di ako yung taong mahilig sumuko. Ako yung sinusukuan ng lalaki. Pero tanong mo pa sa mga naging ex ko, never ako yung nakipagbreak.

Napakarami ko palang di alam. Akala nyo ba alam nyo na lahat ng bagay tungkol sa mga BF nyo? Siguraduhin nyo lang na halungkatin nyo buong pagkatao nila. Kasi baka may duming nakakapit dyan.


Oh teka, magdagdag tayo sa mga URI NG LALAKI AYON KAY MARICAR M. SALOMON:

11. MR. DENIAL- Eto yung mga lalaki na huling huli na nga. nagdedeny pa. Mangdadamay ng iba't ibang tao. Particularly yung mga kaklase nya. kawawang mga kaklase wala palang alam. Kombinasyon to ng pagdedeny at paglalagay ng ALIAS. Sa una magdedeny para maniwala ka, kaso hihiluhin ka. Biglang aamin ng katotohanan, tas magdedeny. DENY, DENY, DENY. Pero isa lang sigurado sa mga lalaking ganito. Sa IMPYERNO HINDI SILA MADEDENY. AGREE?


LIES, DENIALS, BETRAYALS. Yan ang bagong sangkap ng mga relasyon na yon. Forget about LOVE, TRUST, LOYALTY and HONESTY.

wala na. I AM BEYOND HURT. AS IN.

ako yung biktima eh. as in.

matatanggap mo ba kung sira ka sa ibang tao?

PERO, mas matatanggap mo ba kung ang mismong sumira sayo sa ibang tao eh yung BF MO?


oha oha.


yun lang. wala nakong masabi. ayoko ng magsalita. ang bait bait talaga sakin ni Lord. PINAPAALAM nya sakin lahat. In the most unexpected ways.


TAMA NGA.



LOVE MOVES IN MYSTERIOUS WAYS...



- ?



No comments:

Post a Comment