* Spell BORING? Bakasyon na naman. Mabubulok nanaman ako sa bahay. Minsan pag nasa eskwelahan ka, gustong gusto mo ng magbakasyon, at kahit nasa kalagitnaan palang ng 1st or 2nd semester, feeling mo bakasyon na kaya laging bakante ang upuan mo. Pero pag naman bakasyon na, gusto mo na ulit pumasok. Kahit alam mong kalbaryo ang naghihintay sayo. Tulad ko.
* Freedom of Speech. Yan ang gusto ko. Kaya gumawa ako ng blog. Kung tutuligsain mo ako, nasayo na yon. Pero it's a free country. Sorry. Kaya samahan nyo ako sa makulay nat minsang black and white kong paglalakbay. :)
* Ishashare ko muna ang gala escapades ko nung 3 day finals. :)
FIRST DAY- MARCH 23,2009- MONDAY- EXAM: PHILOSOPHY 1
- Pumasok ako para magexam. Marami akong nireview. Pero expect the unexpected nga naman talaga. Essay lang ang exam. 4 to 5 questions lang ata. VICTORY! nasagutan ko sya, ang malala, open notes. haha. :) Lalong sumaya dahil nalaman kong 95 ang class participation ko. Never been late, never been absent.:) Pero dahil maagang natapos ang exam at mamayang hapon pa ako magpepresent ng AVP namin, nagpunta kami sa robinsons (pedro gil) nila danie, nozomi at ate sam. Kumain kami sa chowking. masaya, kasi halos pagtinginan kami ng mga tao sa kakatawa. Naghanap kami ng DVD ng twilight dahil bibili si nozomi. Pagkauwi sa st.scho, nagpresent ng AVP, ayos parang wala lang, kaya pagkatapos na pagkatapos, umuwi na kami. solb ang problema, pag-uwi sa bahay nagreview ako at natulog. :)
SECOND DAY- MARCH 24,2009- TUESDAY- EXAM: THEOLOGY 2
- 1:30 PM pa talaga ang pasok ko. Pero umalis ako sa bahay ng 6 AM. Magkikita kasi kami ni Gene sa LRT ( Gene- friend from Mapua). Sabay kami nag Lrt at hinintay si Danie at Nozomi sa Central Station. Tapos nagenrol na si gene sa mapua. Ayos, kaming tatlo nalang, nagikot kami sa buong intamuros. Nagpedicab at gumastos ng 45 php para makapunta sa manila cathedral. Pagkatapos magdasal, nauwi sa starbucks. Ang saya, naging friends na namin yung cashier at yung barista dahil sa sinimulan kong "extra whipcream". Dinaanan kami ng gene dun, tas uminom ng kape, tas iniwan na nya kami, tas kaming 3 nag SM Manila. Ayos ang dami naming nabili. Shopping. Ang saya. Pagdating sa school. Hindi kami nagreview. Buti nalang SET A ng exam ang napunta sakin. Madali lang. Pero ang pinakanaiinis ako ay napagbaligtad ko kung sino ang magkakapatid sa mga disciples. fcukers. Pagkatapos kumain kaming 3 sa jollibee. Saya. Kaso bigla akong naparanoid at nabadtrip. Pero di ko sasabihin kung bakit. :) Pag-uwi sa bahay, nagnet ako at natulog. Kahit alam kong kinabukasan 3 ang exam ko. :p
THIRD DAY- MARCH 25,2009- WEDNESDAY- EXAM: Organic Chemistry, Human Anatomy and Physiology, Basic Computer
- BADTRIP ang umaga ko nyan. 7:30 AM dapat ang exam sa chem, kaso yung prof namin, nakalimutan ata, putakte, kaya minove ng 3 PM ang exam. BWISET. Anatomy. ANAK NG SHOKOY. ANG HIRAP. wag na nating ielaborate. Computer nakakuha ako ng 32/45. Dahil tinatamad akong sagutan. Sa chem, garapalang pangongopya ang nangyari. Nagamit ko ang kodigo ko na wala namang saysay kaya nilukot ko at tinapon sa bulsa ko. ang good news? TAKE HOME ang finals sa chem. ITO ANG BUHAY. MASARAP. :) LAST DAY NA. TAPOS NA. 2nd year college na ako. yahooooooooo. :)
MARCH 26, 2009- THURSDAY
- dinala namin sa school yung final exam namin sa chem, garapalang pangongopya nanaman. :)
pero excited ako sa kuhanan ng class card at sa birthday ni april sa april 8, dahil pagakatapos nung party, magdadate kami ni danie at nozomi sa starbucks. our favorite. :)
MARCH 27, 2009- FRIDAY
- SPELL BORING? whatthefcuk. wala akong magawa. haha. kumain pa ako ng spam ngayon, tas tsaka ko lang naisip na FRIDAY pala. BAWAL. shiit. fcukers talagaaa. :p
BORED KA DIN BA? kung OO, ano ang tawag mo sa akin.. ? :p

No comments:
Post a Comment